Maaaring magpataw ng karagdagang restriksyon sa mobility ng mga bata ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong awtoridad ang mga LGU na magbigay ng karagdagang paghihigpit kung kinakailangan ukol sa paglabas ng mga bata.
Kaugnay aniya ito sa ibinahaging post ng isang doctor sa social media na may dalawang taong gulang umano na lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na pumunta sa mall.
Ngunit, iginiit ni Vergeire na hindi tiyak kung ito ang dahilan ng pagpopositibo ng nasabing bata dahil posibleng may iba pa aniyang mga kadahilanan na maaaring magdulot dito.
Samantala, sinabi rin ni Vergeire na pinapayagan namang lumabas ang mga menor de edad upang magkaroon ng oras sa pag-eehersisyo at interaksyon sa iba pang bata.—mula sa panulat ni Airiam Sancho