Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Units (LGUs) na nagsasagawa ng fiesta at kahalintulad ng selebrasyon na mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols.
Kaugnay nito, sinabi ng DOH ay magsasagawa ng surveillance sa mga fiesta sa bansa upang masubaybayan kung ang pagtitipon ay nagiging superspreader event o hindi.
Umaasa si Dr. Alelo Annie grace Sudiacal, DOH NCR assistant director na hindi ito naging superspreader event, ngunit paalala sa lahat na huwag maging kampante dahil nariyan pa ang COVID-19.
Aniya pinag-iingat ang iba pang LGUs na magsasagawa ng kahalintulad na aktibidad na mahigpit na ipatupad ang minimum public health standards.