Pinag-aaralan na ng Local Government Units sa Metro Manila ang mga panukalang ipatutupad sa paglabag sa mandatory quarantine protocols sa mga hotels.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos, nababahala umano sila sa nangyaring insidente kamakailan kung saan isang returning overseas filipina mula amerika na tinaguriang poblacion girl na si Gwyneth Chua ang tumakas sa kanyang hotel quarantine.
Sinabi ni Abalos na hindi lamang Department of Tourism (DOT) ang dapat tumugon maging ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Tatalakayin umano ng mga LGU kung ano pa ang maaari nilang magawa para hindi maulit ang naturang insidente.
Sa ngayon, tinanggalan ng dot ng permit at akreditasyon ang Berjaya Hotel sa pagkabigong pigilan ang pagtakas ni Chua sa kanyang quarantine.