Puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas sa nalalapit na pagsasagawa ng limited face-to-face classes.
Ito ay matapos alisin ng Navotas City LGU ang mga vaccinations sites na itinayo sa mga paaralan sa lungsod.
Dahil dito, idaraos na ang bakuhanan sa mga health center at major vaccination site simula bukas.
Paliwanag ng otoridad, kailangan na kasing linisin at i-disinfect ang mga paaralan para tiyaking ligtas ang balik-eskwelahan ng mga estudyante.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles