Magpapatupad ng paghihigpit sa kilos ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kasunod ito ng ulat na mas marami sa mga tinatamaan ng virus ay hindi bakunado.
Hindi aniya dapat lumabas ng tahanan ang mga hindi pa bakunado maliban na lang sa pagbili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Kabilang rin aniya sa mga ipatutupad na paghihigpit ay ang pagkain sa dine-in restaurants at pagpasok sa mga mall.
Maliban dito, isinusulong rin ni Abalos ang pagsasagawa ng random check sa mga vaccination card upang tiyakin kung totoo o peke ang mga ipiniprisintang vaccination cards.