Sabay-sabay na nagsindi ng kandila ang 52 local government units (LGU’s) sa isinagawang candle lighting activity na bahagi ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Nagkabit ng kani-kanilang ASEAN lanterns ang mga lumahok na LGU’s sa kani-kanilang landmark partikular na sa mga naging venue o host ng mga nakalipas at kasalukuyang ASEAN meetings.
Maliban sa pagpapailaw ng mga ASEAN lanterns, inilawan din ng mga lumahok na LGU’s ang mga pook pasyalan gayundin ang mga gusali ng pamahalaan ng mga kulay pula at asul na ilaw na siyang kulay ng ASEAN.
Sumabay din sa pag-iilaw ng ASEAN lanterns ang iba’t ibang bayan o lungsod mula naman sa mga ASEAN member countries tulad ng Brunei, Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore, Myanmar, Vietnam, Lao at Cambodia.