Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking validated ang kanilang mga listahan ng benepisyaryo para sa tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Ito’y matapos mapaulat na ilan sa listahan ng mga barangay ay mayroong kabilang na menor de edad at mga patay na.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang listahan na magmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magsisilbi lamang reference ng local government unit.
Ngunit ang lokal na pamahalaan aniya ang dapat na maging responsable para berepikahin ang naturang listahan kung lehitimo o updated ba ito.
Una rito, napaulat ang listahan ng mga benepisyaryo ng financial assistance ng pamahaalan sa Barangay 44 sa Pasay City kung saan may nakasamang menor de edad, patay na at Overseas Filipino Worker.