Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang publiko na umiwas muna sa pagkain ng mga shellfish mula sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ito ay matapos na mag-positibo sa red tide toxins ang naturang katubigan.
Ayon sa BFAR, maaari namang kainin ang mga mahuhuling isda, pusit, hipon at alimango ngunit kinakailangan muna itong linisin at lutuing mabuti.
Pinangangambahan naman na maapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa naturang lugar.
—-