Iginigiit ng isang child advocacy group ang independent investigation sa pagpaslang sa tatlo katao kabilang ang isang 12 anyos na estudyante mula sa tribong lumad sa Lianga, Surigao Del Sur.
Ayon sa CRN Child Rights Network matagal nang itinuturing na kritikal na lugar ang bayan ng Lianga dahil sa armadong pakikibaka rito subalit hindi makatuwiran ang pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan lalo pa kung menor de edad.
Bilang pagsunod sa Republic Act 11188 o Special Protection of Children and Situations of Armed Confkict Act.
Nanawagan ang CRN sa Inter-Agency Committee on Children in situations of armed conflict na kaagad mag convene at magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing pagpaslang para maibigay ang hustisya sa mga biktima.
Binigyang diin ng crn ang mga probisyon sa ilalim ng ra 11188 na naglalayong protektahan ang mga kabataang nadadamay sa armed conflict mula sa pang aabuso sa karapatang pantao sa pamamagitan nang pagdedeklara ng chldren zones of peace at obligahin ang gobyerno na parusahan ang mga lumalabag dito