Malapit nang mabili sa mga botika sa bansa ang tradisyunal na Chinese medicine na Lianhua Qingwen na ginagamit sa China para sa mga pasyente nilang may COVID-19.
Ito’y matapos maaprubahan na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng herbal na gamot na ito.
Matagal na umano itong ginagamit partikular sa China para gamutin ang iba’t ibang karamdaman gaya ng sipon, ubo at lagnat.
May kakayahan din umano itong mag-alis ng toxins at plema sa baga.
Gayunman nagpaalala ang FDA na mabibili lamang ang gamot na ito kung may maipapakitang reseta mula sa doktor.
Hindi kasi umano maaari ang gamot na ito sa mga hypertensive at mga pasyenteng umiinom ng anti-depressants.
Magugunitang nuong mayo nagbabala ang FDA sa pagbili ng naturang gamot dahil hindi pa ito rehistrado nuon.