Kinatigan ng Korte Suprema ang inihaing apela ng kolumnistang si Yolanda Villanueva – Ong na isang ad columnist ng Philippine Star kaugnay ng libel case na isinampa sa kaniya ni dating Sen. Juan Ponce Enrile.
Batay sa desisyong pinonente ni Associate Justice Noel Tijam, binaliktad nito ang naunang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court nuong Marso 4, 2014 na pinaboran naman ng Court of Appeals nuong Hunyo 9 ng taon ding iyon.
Ayon sa high tribunal, nagkamali ang Pasay City RTC nang ibasura nito ang counterclaim ni Ong laban kay Enrile dahil lamang sa kakulangan ng kaukulang docket fee’s.
Nagkamali rin ang Appelate Court nang katigan nito ang desisyon ng lower court dahil maaari namang maresolba ang isyu kaysa basta lamang ibasura ang inihaing mosyon ng petitioner.
Nag-ugat ang kasong libelo ni Enrile laban kay Ong nang mailathala sa artikulo nito ang paglalarawan sa dating Senador bilang sinungaling, tiwali at manipulator nang maglabas ito ng isang coffee table book na nagrerevise sa kasaysayan para paboran ang pagtakbo ng kaniyang anak na si Jack Enrile bilang Senador nuong 2013.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio