Hindi nagbunga ang isinampang reklamo ng isang kilalang food chain laban sa Philippine Veterans Bank.
Ito’y matapos ibasura ng City Prosecutor’s Office ng Antipolo ang inihaing libel case ng food chain na Cravings Food Services Incorporated.
Batay resolusyon, bigong patunayan ng Cravings na sinisiraan ng PVB ang kanilang kompanya sa publiko nang magsampa ito ng civil case laban sa kanila.
Giit ng Cravings, tila pinalalabas ng Veterans Bank na sangkot sila sa maanomalyang gawain at dishonorable conduct nang ituloy ng bangko ang asunto laban sa kanila.
Nag-ugat ang reklamo ng bangko nang mabigo ang Cravings na bayaran ang pagkaka-utang nito sa kanila na nagkakahalaga ng P43-M.
Una rito, kumuha ang Cravings sa Veterans Bank ng P50-M total Revolving Promissory Note Line.
Subalit, hindi agad nakapagbayad ang Cravings ng kanilang obligasyon sa bangko kasama na ng kaukulang interest at mga penalty kaya naman sila inireklamo.