Malaking tulong ang mga nagdaang pag-ulan upang madagdagan ang tubig sa mga dam, partikular na sa Angat Dam.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David, hindi gaanong bumaba ang libel ng tubig sa Angat Dam na ngayon ay nasa 193 meters ang tubig.
Resulta aniya ito ng mga naranasang pag-ulan noong mga nakalipas na araw kayat makatitiyak aniya ang publiko na hindi magkakaroon ng water shortage sa kalakhang Maynila o NCR.
Bunsod nito, mas makabubuti parin ani David na maging masinop sa paggamit ng tubig upang mapanatili ang sapat na suplay ng tubig.
Samantala, maari naman aniyang makarekober ang Angat Dam sa pagtatapos ng kasalukuyang taon kung saan posibleng umakyat ito sa 210 meters dahil narin sa inaasahang La Nina.