Pinabulaanan ng Liberal Party na dalawa ang kandidato ng partido at ni Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na taon.
Ayon kay Cong. Edgar Erice, walang katotohanan at intriga lamang ang kumakalat na isyu na suportado ni PNoy at ng kanilang political party sina Sec. Mar Roxas at Sen. Grace poe.
Giit ni Erice, malinaw ang patakaran ng LP na tanging si Roxas lamang umano ang susuportahan nila sa 2016 presidential elections.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)