Gumastos ng humigit kumulang dalawandaan at apatnapu’t isang milyong piso ang Liberal Party nitong nakalipas na halalan.
Ito ang nakasaad sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng partido sa Commission on Elections o COMELEC anim na araw matapos ang deadline sa pagsusumite nito.
Batay sa bultu-bultong dokumento na nakapaloob sa limang kahon, sinasabing nasa mahigit isandaan at walumput isang milyon ang natanggap nilang ambag mula sa mga hindi miyembro habang
Habang aabot naman sa mahigit animnapung milyong piso ang naging ambag naman ng mga miyembro ng lapian.
Tinanggap naman ang nasabing mga dokumento ng COMELEC campaign finance office at notaryado ng mga abogadong sina Atty. Doris Ramirez at isinaayos ni LP treasurer Alfonso Umali Jr.
By: Jaymark Dagala