Tinawag na Premature ni Election Lawyer Romulo Macalintal ang naging pahayag ng Commission On Elections o COMELEC
Kaugnay ito sa posibilidad na madiskaril ang pag-upo sa puwesto ni Vice President elect Leni Robredo dahil sa kabiguang maghain ng Statement of Contributions and Expenditures ng Partido Liberal na kaniyang kinabibilangan
Sa panayam ng Ratsada Balita kay Atty. Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo, malinaw ang isinasaad ng Omnibus Election Law at Fair Elections Act na binibigyan ng Tatlumpung araw ang bawat kandidato na makapagsumite ng kanilang SOCE
Kasunod nito, tiniyak ni Macalintal na handang magbayad ng multa ang Liberal Party sakaling hindi payagan sa hinihingi nilang labing limang araw na palugit
By: Jaymark Dagala