Pinabulaanan ng Liberal Party na hirap mag-reconcile ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE si dating DILG Secretary Mar Roxas kaya hindi ito nakapag-sumite bago ang deadline.
Ayon kay Liberal Party spokesperson Rep. Barry Gutierrez, nahihirapan lang umano si Roxas sa physical act ng scanning at attachments dahil sa dami ng mga resibo na kailangan sa SOCE.
Matatandaang una ng lumutang ang mga isyu na nahihirapan gumawa ng SOCE ang kampo ni roxas dahil sa laki umano ng ginastos nito sa mga political endorsements ng mga celebrities sa kanya.
By: Mariboy Ysibido