Target ng Liberal Party na makapagrecruit ng 75,000 bagong miyembro at volunteer para sa 2022 local at national elections.
Ipinabatid ito ni LP President Senador Francis Kiko Pangilinan bilang mensahe sa Facebook sa ika-75 anibersaryo ng partido.
Tiniyak ni Pangilinan ang patuloy na commitment ng LP para maipaglaban ang mga prinsipyo at adbokasiya ng partido pulitikal.
Simula nang maging pangulo ng LP noong 2016, ipinagmalaki ni Pangilinan ang mga nakakamit nilang pag-asa at binubuksan nila ito sa mga ordinaryong mamamayan na mayroong parehong adbokasiya para sa magandang kinabukasan ng bansa.
Pinapurihan ni Pangilinan ang 106 LP chapters sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko nang hindi alintana ang banta ng COVID-19 pandemic.