Umamin ang Liberal Party na wala na silang kakayahan o lakas bilang isang partido political sa bansa.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, pangulo ng LP, nakaluray luray na ang kanilang partido matapos matapos ang kanilang pambatong si dating secretary Mar Roxas.
Dahil dito, imposible anya ang paratang sa LP na mayroon silang nilulutong hakbang para mapatalsik sa puwesto ang pangulong rodrigo duterte.
Sinabi ni Pangilinan na halos hindi nga sila makapagpulong dahil hindi sa liit ng bilang ng mga miyembro, lalong, hindi nila kakayanin na patalsikin ang pangulo ng bansa.
Binigyang diin ni Pangilinan na ang pagdalo ng ilang lp members sa mga anti-Marcos rallies ay hindi naman makatwirang, sabihin na pagtatangka na itong patalsikin ang Pangulong Duterte.
By Len Aguirre