Kada araw ay may nalalagas sa Liberal Party.
Mismong si Vice President LENI robredo ang nagkumpirma na sunud-sunod na ang paglipat ng kanilang mga miyembro sa ibang partido lalo na sa PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, hindi pa sila nagkakausap ng buong partido simula nang maluklok siya sa pwesto bilang Ikalawang Pangulo.
Sinabihan din aniya niya ang kanyang mga ka-partido na huwag siyang isipin kapag gagawa ng desisyon sa pangingibang bakod.
By: Meann Tanbio