Sisikapin ng AFP o Armed Forces of the Philippines na maiwawagayway na nila ang watawat ng bansa sa Marawi City sa Lunes, Hunyo 12 kasabay ng paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng kasarinlan.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, target nilang makamit ang liberation ng Marawi City sa mismong Araw ng Kalayaan, masakote man o hindi ang pinuno ng teroristang grupo na si Isnilon Hapilon.
Hindi kumbinsido ang militar sa mga ulat na nakatakas na sa Marawi City si Hapilon dahil walang indikasyon na nakapuslit na ito batay sa ginawang validation ng Task Force Marawi.
Kasabay nito, nanawagan si Padilla sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng mga sundalong nakikipaglaban sa Maute Group na ngayon ay unti-unti nang lumiliit ang mundo dahil sa pagpupursige ng militar.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Marawi crisis target tapusin bago ang Araw ng Kalayaan sa Lunes was last modified: June 10th, 2017 by DWIZ 882