Ebola free na ang Liberia.
Inanunsyo ito ng Liberian government matapos ang mahigpit na paglaban kontra sa nakamamatay na sakit.
Ang Liberia ang pinakamatinding tinamaan ng virus kung saan halos 5,000 mamamayan na nito ang nasawi sa ebola.
Ipinabatid ni Sorbor George, Chief ng Communication Ministery na natapos na ang outbreak kasunod ng incubation period ng pinakahuling kaso.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters