Naitala ang ikalawang kaso ng ebola virus sa Liberia.
Ito ang kinumpirma ng local health officials ilang buwan matapos ideklarang ebola-free ang naturang West African Country noong Enero.
Ayon sa ulat, isang 5 taong gulang na batang lalaki ang nagpositibo sa ebola at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang treatment center sa Monrovia.
Una nang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng bumalik ang outbreak dahil muli umanong dinadapuan ng virus ang mga dating survivor.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Photo by UPI/NIAID | License Photo