Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdideklarang Special Non Working Holiday sa buong lalawigan ng Cebu sa Oktubre a-26.
Ito’y bilang tugon ng pamahalaan sa kahilingan ng mga Cebuano na gawing holiday ang nasabing araw kasabay ng libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Inilabas ng Malacañang ang kopya ng Proclamation Number 333 na nagdedeklara bilang isang Special Non Working day ang araw ng Huwebes na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Magugunitang bumisita si Pangulong Duterte sa burol ng yumaong kardinal sa Cebu Metropolitan Cathedral kahapon at nagbigay ito ng kaniyang huling respeto sa pamamagitan ng paghalik sa kabaong ng yumaong Arzobispo.