Libu-libong amerikano ang nag-protesta sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos bilang pakikiisa sa “March For Our Lives” upang igiit ang mas mahigpit na gun laws.
Ito ang panawagan ng mga raliyista matapos ang massacre sa isang paaralan sa Florida kung saan 14 katao ang pinagbabaril.
Kabilang sa mga dinagsa ng mga demonstrador sa pangunguna ng mga survivor sa nasabing insidente ang paligid ng capitol sa Washington D.C.
Dapat anilang magpasa na ng mahigpit na batas ang kongreso para sa pagbibitbit at pag-aari ng mga baril.
Samantala, wala pang tugon ang White House sa inilunsad na malawakang kilos-protesta.