Libo-libong deboto ang dumalo ngayong araw sa Banal na Misa sa Quirino Grandstand sa Maynila bilang bahagi ng pagdiriwang ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Kahapon pa ng alas-tres ng hapon nagsimulang magtipon ang mga deboto sa Quirino Grandstand lalo’t karamihan sa kanila ay gustong pumila ng maaga.
Hindi tulad noong dalawang taon, ang mga deboto ay pinapayagan lamang na magpunas ng kanilang mga tuwalya at hawakan ang mga paa ng Itim na Nazareno sa panahon ng “Pagpupugay”.
Ang tradisyonal na paghalik o “pahalik” naman ng imahe ay ipinagbabawal dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala, para makontrol ang buhos ng mga tao, lumikha ang mga awtoridad ng hiwalay na linya para sa “Pagpupugay” sa mga taong may kapansanan, mga senior citizen, at mga buntis na kababaihan.
Sa ngayon, wala pang naitatalang untoward incidents sa lugar kung saan nasa limandaang police officers ang ipinakalat upang magbantay sa seguridad.
Ang “Pagpupugay” ay magpapatuloy hanggang Lunes, Enero a-nueve, habang ang Walk of Faith ay gaganapin sa Linggo.