Tinatayang 30,000 empleyado ang nanganganib mawalan ng trabaho sakaling ipasara ng gobyerno ang isla ng Boracay, sa Malay, Aklan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, kabilang sa mga maaapektuhan ang mga nag-ta-trabaho sa mga hotel sa isla.
Sa kabila nito, aminado ang local government na wala silang maibibigay na alternatibong trabaho sa mga posibleng mawalan ng hanapbuhay.
Ipinauubaya na ng LGU sa national government ang pagkakaloob ng trabaho sa mga nasabing empleyado.
Samantala, simula Hulyo ay ipatitigil na ang pagpapatayo ng mga bagong istruktura sa Boracay at aayusin ang baradong drainage sa pangunahing tourist destination sa Pilipinas.
RPE