Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang libo-libong evacuees sa Legazpi, Albay.
Ito ay matapos ang ilang araw ding pananatili sa evacuation centers dahil sa pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon.
Sa tulong ng puwersa ng militar at lokal na pamahalaan, naihatid papauwi sa kanilang tahanan ang mga may labing isang libong (11,000) residente ng Legazpi gamit ang military trucks.
Sa kabila nito, patuloy na nakamonitor ang pamahalaang lokal ng Legazpi hangga’t hindi bumabalik sa normal ang Bulkang Mayon.
Muling binalaan ng PHIVOLCS ang mga residente laban sa mudflow at lahar flow dahil sa pag-ulan at inabisuhang iwasan ang pagpasok sa danger zone.