Nag-alay ng panalangin kaninang umaga ang libu-libong Filipino-Muslim bilang bahagi ng selebrasyon ng Eid’l Adha o feast of sacrifice.
Nagtipon ang mga muslim sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa nabanggit na religious event na deklaradong regular holiday.
Isang kahalintulad din ng aktibidad ang isinagawa sa Blue mosque sa Maharlika Village, Taguig City at Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Ang Eid’l Adha ay hudyat ng pagtatapos ng pilgrimage sa Mecca sa Saudi Arabia kung saan nagkakatay ng mga tupa kambing, baka at kamelyo ang mga Muslim upang gunitain ang kagustuhan ng propetang si Ibrahim o Abraham na i-alay ang kanyang anak na lalaki alinsunod sa utos ni Allah.
By: Drew Nacino