Humigit kumulang 10,000 na mga isda mula sa ibat-ibang palaisdaan sa Dagupan City, Pangasinan ang nangamatay dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.
Base sa ulat, taun-taon naman umano nakararanas ng fish kill ang mga mangingisda doon ngunit ngayon lamang daw nangyari na umabot sa ganun karami ang mga namatay na isda.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), dahil sa pabago-bagong panahon kayat nagkaroon ng fish kill sa lugar.
Paliwanag ng BFAR, isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng mga isda ay ang mainit na panahon sa umaga at biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon na syang dahilan kayat nababawasan ang dissolved oxygen sa tubig.