Umaabot na sa 45,000 katao ang inaresto, sinibak at sinuspinde sa kanilang trabaho sa Turkey
Kaugnay ito sa crackdown na inilunsad ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan matapos ang bigong kudeta sa bansa
Kabilang sa mga dinampot ay mga guro, university deans at media na hindi naman Coup Plotter subalit loyal sa naka exile na Cleric na si Fethullah Gulen na itinuturo ni Erdogan na mastermind sa tangkang pagpapabagsak sa kaniya
Ikina alarma naman ng International Community ang malawakang crackdown na ipinatutupad ni Erdogan kayat nanawagan sa Turkey na respetuhin ang batas at karapatang pantao
By: Judith Larino