Libo-libo umanong bonafide at original grassroots members ng PDP-laban ang kumukondena sa mga personalidad at party officials na pasimuno ng sinasabing national assembly ng kanilang partido sa Clark Pampanga.
Base sa pahayag ng PDP-laban faction nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Koko Pimentel, sinabi nilang ilegal at hindi sanctioned ng general membership ng PDP-laban ang pagtitipon kahapon.
Ayon kay Ron Munsayac Executive Director ng PDP-laban habang isinasagawa ang pagpupulong sa Clark Pampanga, kanila naman itong sinabayan ng sarilig zoom assembly na dinaluhan umano ng nasa 100 PDP-laban chapters sa buong kapuluan.
Nabatid na nagpadala umano ng mensahe si Pimentel para sa mga myembro ng partido kungsaan nanawagan ito na manatiling nagkakaisa sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng PDP-laban sa likod ng liderato ni Pacquiao.
Pahayag ni Pimentel, sa ngayon ang importante aniya’y manatili silang malakas at patuloy na magtiwala sa liderato ni pacquiao at hindi dapat na mag alala dahil tunay aniyang ipinaglalaban nito ay ang boses ng kanilang mga chapter sa buong bansa.
Ipinakita naman ng PDP Laban Pacquiao -Pimentel faction ang litrato ng mga myembro ng partido sa iba’t ibang bahagi ng bansa kungsaan makikita na may dala silang streamers na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa boxing Senator.