Sinalubong din ng mahabang pila ang mga pasahero sa Calapan City Port sa Oriental Mindoro sa unang araw ng balik-trabaho matapos ang mahabang holiday vacation.
Batay sa datos ng Department of Transportation, sumampa sa halos 36,000 pasahero ang dumagsa sa pantalan na katumbas ng nasa isang kilometro ang haba hanggang kahapon.
Ayon kay Ram Joseph Peñena Operations and Warning Division chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, karaniwan nang dumaragsa sa Calapan Port ang mga pasahero tuwing long weekend o holiday season
Isa rin anya sa dahilan ng malaking bulto ng mga pasahero ang pagdagsa rin ng mga biyahero mula sa ilang bahagi ng Visayas na dumaraan sa naturang pantalan patungo sa kanilang destinasyon sa Mainland Luzon.
Bukod pa ito sa ilang terminal na hindi pa natatapos ang konstruksyon.
Ipinaliwanag naman ng DOTR na dahil sa limitadong espasyo para sa mga pasahero, nagtayo na sila ng mga tent at para sa mga nakapila, partikular sa mga senior citizens, persons with disabilities, buntis at bata.