Itinapon ng mga tumatakas na kawatan ang nakaw na bag na naglalaman ng libo-libong halaga ng pera matapos habulin ng mga Pulis sa Santiago, Chile.
Sa isang CCTV footage, makikitang mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan kaya nahulog ang bag kung kaya’t kumalat ang libo-libong perang papel sa gitna ng trapiko.
Tinatayang aabot sa 10- M Chilean peso o mahigit P600,000 na halaga ng pera ang ninakaw.
Batay sa imbestigasyon, sinadyang itapon ng mga magnanakaw ang bag sa bintana ng kanilang sasakyan.
Matapos ang habulan, nahuli ang 6 na suspek na kapwa mga napag-alamang mayroong record ng pagnanakaw. -sa panunulat ni Maze Aliño Dayundayon