Libo-libong Pilipino ang dumagsa sa miting de avance ng ilang kandidato sa pambansang posisyon kagabi.
Una rito si presidential aspirant at dating senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte na hindi naging alintana ang init ng panahon sa huling araw ng pangangampanyan kasabay ng pagdayo ng mga supporters na naganap sa Parañaque City.
‘Palayain ang sarili sa duda at pangamba’, naman ang pahayag ni presidential aspirant at vice president Leni Robredo sa kaniyang mga supporters na dumating sa miting de avance na naganap sa Makati.
Halos 800,000 tagasuporta ng tambalang Leni at Kiko ang dumating sa venue na ibinatay sa pagtataya ng PNP at local organizers.
Sa General Santos City na hometown ni presidential candidate Manny Pacquiao, libo-libong tagasuporta rin ang dumating para suportahan ang senador na sinabing hindi siya kinakabahan sa resulta ng halalan dahil naiparating naman niya ang adbokasiya para sa mga mahihirap.
Samantala, sa tondo, maynila isinagawa ni presidential candidate mayor isko moreno at kaniyang partido ang wrap up para sa kanilang kampanya.
Hanggang kahapon, Mayo 7 na lamang ang huling araw ng pangangampanya para sa halalan bukas.