Nanganganib na mapa-deport ang libu-libong Overseas Filipino Workers na hindi dokumentado sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Ito ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, kung saan sa kaniyang pagtaya aabot ng 250,000 hanggag 350,000 na mga Pilipino ang walang mga ligal na papeles.
Binigyan-diin ni Ambassador Romualdez na posible ipagpapatuloy ng bagong presidente ng US ang kaniyang mga plano na mass deportation sa mga illegal immigrant at magpatupad ng mas mahigpit na immigration laws ngayong kontrolado na ng republicans ang US Congress.
Dahil dito, nanawagan ang Philippine Ambassador sa mga undocumented Filipino workers sa nasabing bansa na boluntaryong umuwi o simulan ng i-proseso ang kanilang mga dokumento para magkaroon ng legal status bago pa man bumalik sa white house si US President-elect Trump sa susunod na taon.