Usap-usapan ngayon sa social media ang successful trip ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Saudi Arabia. Saglit man, pero productive ang kanyang pagdalo sa ikaunang Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council o ASEAN-GCC nitong October 19, 2023 dahil libo-libong Pilipino ang makikinabang sa mga kasunduan ni Pangulong Marcos Jr. dito.
Nakapagbigay ng oportunidad ang Summit para makakuha ng $120 million worth of Memorandum of Understanding agreement sa pagitan ng EEI Corporation ng Pilipinas at Samsung Engineering NEC Company ng Saudi. Ayon sa kasunduan, magtatatag ng 500-person capacity training facility sa bansa para sa upskilling ng Filipino workers sa construction industry.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hangad ng pasilidad na ito na makapag-train ng at least 3,000 Filipinos kada taon. Sa loob ng limang taon, higit sa 15,000 skilled workers ang handa na sa deployment anumang oras.
Nagkaroon din ng diskusyon sa tatlong business-to-business agreements ang human resource companies ng Saudi at Pilipinas para sa training at employment ng mga overseas Filipino workers o OFWs sa iba’t ibang industriya gaya ng healthcare; hotel, restaurant, and catering; maintenance and operations, at iba pa.
Inaasahang magge-generate ang mga kasunduang ito ng higit sa $4.2 billion at karagdagang 220,000 jobs para sa mga Pilipino sa mga susunod na taon.
Sa kanyang homecoming speech, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na nakabuo ng mas magandang ugnayan ang Pilipinas at Saudi sa usapan nila ni Crown Prince at Prime Minister Mohammed bin Salman.
Two-way street kung ilarawan ng Pangulo ang bagong development ng dalawang bansa. Maituturing din na reciprocal gesture ang nasabing investment para sa tinatayang 760,000 OFWs sa Saudi.
Nangako ang Pangulo na patuloy niyang isusulong ang interes ng ng Pilipinas at palalawakin ang pakikipagtulungan nito sa mga kaalyadong bansa. Sa katunayan, sinimulan na ng administrasyong Marcos ang pag-amyenda sa mga umiiral na batas para makaakit ng foreign investments sa iba’t ibang sektor. Kabilang sa mga ito ang Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, Public Services Act, at Renewable Energy Act.
Hindi maikakailangang nagbunga ng magandang resulta ang pagpunta ni Pangulong Marcos Jr. sa Saudi Arabia. Makatitiyak tayong tuloy tuloy na makakakalap ng investments ang ginagawang foreign trips ng Pangulo na siya namang makakatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.