Nagsagawa ng kilos protesta ang mahigit 1,000 residente sa Alaminos, Laguna para tutulan ang planong pagtatayo ng sanitary landfill sa kanilang lugar.
Ayon kay Mark Louie Aquino ng grupong Ban Landfill, tiyak na malaki ang magiging epekto ng gagawin ng kanilang lokal na pamahalaan sa araw-araw na pamumuhay nilang mga residente.
Nariyan na rin ang mga hindi magagandang maaaring makuha sa basura gaya ng mga kemikal na makasasama sa kalusugan ang makasisira sa mga pananim.
Ngunit ayon kay Mayor Eladio Magampon, ang itatayong landfill ang nakikitang pang matagalang solusyon sa lumalalang problema sa basura sa kanilang lugar.