Nagsagawa ng kilos-protesta ang libo-libong Amerikano sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos para kondenahin ang nagpapatuloy na gun-related violence sa kanilang bansa.
Ayon sa ulat, tinatayang 40,000 ang dumalo sa March for Our Lives (MFOL) na ginanap sa National Mall malapit sa Washington Monument.
Dito nila ipinanawagan sa mga mambabatas na magpasa ng batas para mapigilan ang nangyayaring gun violence at mass shooting sa kanilang bansa.
Nito lamang kasing mga nakaraang buwan, sunod-sunod ang nangyaring pamamaril sa ilang lugar sa Amerika kung saan karaniwang bata ang mga nagiging biktima.