Stranded ang libu-libong tao sa Cagayan De Oro City bunsod ng malakas na ulan.
Kabilang sa mga stranded ang ilang estudyante ng University of Science and Technology of Southern Philippines kung saan umabot hanggang dibdib ang baha.
Samantala, pinalikas na ng Disaster Risk Reduction and Management Office sa Iligan City ang mga residenteng malapit sa ilog.
Nagtungo na ang ilang rescue teams sa nasabing lunsod upang tumulong sa paglikas.
By: Avee Devierte