Mahigit 6000 undocumented OFWS ang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia.
Kasunod na rin ito ng apat na buwang amnesty program na ipinatupad ng Saudi Arabia sa illegal workers sa kanilang bansa.
Sinabi ni Rapid Response Team Leader Mohammed Noordin Pendosina Lomondot na kabilang sa mga nakabalik ng Pilipinas ang 2000 OFWS na humabol sa extended amnesty program ng Saudi Arabia.
Kasabay nito ipinabatid ni Lomondot na makikipag ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa pamahalaan ng KSA para sa posibleng special extension ng amnesty program upang matulungan ang iba pang naiwang undocumented OFWS na nais nang umuwi ng bansa.