Muling ipina-alala ng Commission on Elections sa mga botante na kunin na ang kanilang mga Voters Identification Card sa gitna ng pagtatapos ng voter registration.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaaring i-claim ng mga botante ang kanilang voter’s I.D. sa office of the election officer o O.E.O. sa kani-kanilang lungsod o bayan.
Libu-libo pa anyang voter’s I.D. Ang hindi pa rin na-ke-claim sa iba’t ibang satellite office ng poll body.
Nilinaw naman ni Jimenez na hindi idinedeliver at tanging sa O.E.O. maaaring kunin ng personal o sa pamamagitan ng isang authorized representative ang mga nabanggit na I.D.
By: Drew Nacino