Nawalan ng tirahan ang may 1,000 pamilya sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Ayon kay Eastern Manila District Fire Marshal Sr. Supt. Samuel Tadeo, umabot pa sa general alarm status ang sunog sa Block 32, Molave Street sa nasabing lungsod.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang yari sa light materials ang bahay ng mga naapektuhan ng sunog.
Kasalukuyan nang namamalagi ang mga nasunugang pamilya sa limang evacuation centers sa Mandaluyong City.
By Meann Tanbio