Tinatayang 1,000 tilapiya na ang apektado ng fish kill sa isang palaisdaan sa barangay Malamsit, Penarrubia sa Abra.
Ayon sa may-ari ng fish pond na si Romeo Garcia, pabago-bagong temperatura ang posibleng o kinapos ng oxygen sanhi ng pagkamatay ng mga isda.
Ito’y bunsod ng nararanasang El Niño phenomenon na inaasahang titindi ang epekto hanggang sa unang bahagi ng taong 2016.
Samantala, wala pang phayag ang Abra Provincial Fishery Office hinggil sa fish kill.
By Drew Nacino