Binuksan sa publiko ang Library and Information Center sa Sorsogon kasunod ng pagbubukas ng museo kung saan, matatagpuan ang nasabing aklatan.
Ayon sa website ng naturang ahensya, maaaring ma-avail ang mga mag-aaral ang iba’t-ibang serbisyo kabilang na ang 20,000 E-Books na maaaring mabasa.
Bukod pa dito, mapapakinabangan din ang internet services ng library para sa online research.
Samantala, nagpaalala naman ang pamahalaang lokal ng Sorsogon na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols para mapanatiling ligtas ang lahat ng gagamit ng library. —sa panulat ni Angelica Doctolero