Nanawagan ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na ilahok ang kanilang mga anak sa malawakang pagbabakuna laban sa iba’t-ibang sakit.
Ayon sa inilabas na abiso ng DOH, muli silang magkakasa ng libreng bakuna sa ika-26 ng Oktubre para sa mga batang wala pang 5 taong gulang.
Paliwanag ng health department, ang naturang bakuna ay bilang pag-iingat sa banta ng measles outbreak maging sa pagkalat ng polio at iba pang sakit.
Iginiit ng DOH, na kanila itong ginagawa para matiyak na ‘di na daragdag pa sa problemang hatid ng COVID-19 pandemic ang outbreak ng iba pang mga sakit.