Ipamimigay nang libre sa mga mananakay simula Biyernes, Oktubre 9 ang mga Beep cards.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) makaraang ipag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Alinsunod sa inilabas na memorandum circular number 2020-057 ng LTFRB, ipinag-utos nito ang pagtanggal sa pagbabayad ng Beep cards para makabawas sa pasanin ng mga commuter, lalo’t marami ang naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.
Iginiit naman ng LTFRB, na nagsalita na ang Presidente hinggil sa isyu, kung kaya’t agad nilang ibinaba ang memorandum para tumugon sa kautusan ng Pangulo.