Pansamantalang mamahagi ng mga libreng beep cards ang provider ng automated fare collection system na A-F Payments Incorporated sa mga nangangailangang pasahero ng EDSA Busway.
Ayon sa AFPI, pinag-aaralan na nila ang kanilang itutugon sa hinaing ng mga mananakay kaugnay ng mandatory na paggamit ng mga beep cards sa mga bus sa EDSA.
Dahil dito, pansamantala muna silang mamimigay ng mga libreng beep cards bilang ayuda sa mga pasaherong walang kakayahang bumili nito.
Sinabi ng AFPI, maipamamahagi ito sa pamamagitan ng donasyon ng kanilang mga shareholders at mga business groups na kayang pondohan ang hanggang 125,000 na libreng beep cards.
Una rito, sinuspende ng Department of Transportation ang sapilitang paggamit ng mga beep cards sa EDSA busway simula sana kahapon.