Naglagay ng bike repair station ang MMDA sa Edsa Quezon Avenue.
Libreng magagamit ng publiko ang iba’t ibang tools, air compressor, heat press, vulcanizing patch at iba pa.
Nakaantabay sa nasabing repair station ang dalawang tauhan ng MMDA na eksperto sa pag-aayos ng mga bisikleta at motor.
Mula ala-5 ng umaga hanggang alas -9 ng gabi ay bukas ang naturang repair station.