Nakatakdang mamahagi ng libreng binhi at punla ng gulay ang city government ng Los Baños at Cabuyao sa Laguna sa kanilang mga residente.
Ayon kay Municipal Agriculturist Cheryll Laviña-Gonzales, isang regular na programa ng kanilang tanggapan ang naturang hakbang.
Kanila din aniyang pina-igting ang pamimigay ng mga ito upang makatulong sa pagtitiyak na magiging supisyente at may mapagkukunan ng pagkain ang kanilang mga residente sa mga susunod na araw.
Maaaring magpalista ang lahat ng mga residente ng Los Baños na nais makatanggap ng binhi o punla at ipadala lamang ang listahan sa Facebook page ng Municipal Agriculture Office.
Kabilang sa kanilang mga ipamamahagi ay binhi ng pechay, mustasa, okra, kamatis, patola, at sitaw.
Samantala, isang “Harvest on the Go” program naman ang inilunsad ng City Government ng Cabuyao kung saan, kanilang bibilhin ang mga ani ng local farmers sa kanilang lugar at ipamamahagi sa kanilang mga residente.